yOu WiLL oNLy liVe oNcE.. sO LiVE yOUr liFE tO tHE FuLLEst aNd mAkE iT mEaNiNgFuL..

Wednesday, September 5, 2007

LoVE kNoWs nO REasON...

"If I could ask God one question, I'd ask him if we're meant to be.
If He says yes, then I'd continue loving you...but if He says no,
then I'd love you even more 'til I make Him see...
that loving you at my best is enough to say we're meant to be."

Ang bilis nga naman ng panahon noh? 6 years na pala kaming together ni Pings (on and off). This coming September 7, 2007 ang 6th year anniversary namin together. Pabiro ko nga sinabi sa asawa ko kagabi, "Malapit na ang anniversary natin. 6 years na tayong naglolokohan, hahaha", sabay tawa naming dalawa. Pero naging speechless ako ng sabihin ng asawa ko "Oo nga 6 years na tayo, napakaswerte ko dahil natiis mo lahat ng sakit na naidulot ko sayo at sa kabila ng lahat ng pinagdaanan mo mahal mo pa rin ako."

For more than 3 years wala naman kaming naging problema. It was in the year 2005 nung umuwi na sya permanently sa Concepcion. Ang hirap para sa akin ng ganong set up kasi sanay ako na araw-araw kaming nagkikita.

June 2005 graveyard pa ang shift ko non. Biglang nagtext sa akin ang pinsan ko. Sabi nya "Pag tinanong ka ni Pings kung alam mo ang number ko, sabihin mo hindi mo alam. May girlfriend pala don". At that time, di ko alam kung ano ang naramdaman ko basta ang alam ko nanginig, nanlamig at nanlambot ang buong katawan ko. June 17 pumunta ako sa Concepcion to clear things up. Para malaman ko kung totoo nga na may gf sya don. And of course, hindi aaminin ng isang lalake na may iba syang gf. Pero na confirm ko din yon dahil yung babae na mismo ang nagtext sa akin. Tinanong nya kung talagang boyfriend ko si Pings, sabi ko more than 3 years na kaming magboyfriend. Sabi nya sa akin hindi daw nya alam na may gf na daw si Pings, kaya naging sila. Pero ngayon na nalaman daw niya na may gf sya, makikipagbreak na daw sya kay Pings. After my conversation with the girl, tinawagan ko si Pings para paaminin. At ganon na nga ang nangyari, napaamin ko sya na gf nga daw nya yon. Sobrang iyak talaga ako habang naguusap kami. So he decided na magkita kami kinabukasan para magusap ng maayos.

Kinabukasan nagkita kami at nagusap. Sabi nya sa akin habang umiiyak sya na hindi daw nya alam kung bakit ganon ang nangyari pero alam nya na kasalanan nya and that bigyan ko daw sya ng 1 year para ayusin ang sarili nya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, basta ang alam ko iyak lang ako ng iyak. Naghiwalay kami. Kinabukasan tumawag sya sa akin, akala ko sasabihin nya na ayaw nya akong mawala sa buhay nya. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng sabihin nya sa akin na hindi daw nya kaya dahil nakipaghiwalay na sa kanya ung babae. Para talaga akong nawala sa sarili ko ng marinig ko yon. Sa mga sumunod na araw di na ako makakain ng maayos at walang tigil akong umiiyak bago matulog, pag nagising ako ng madaling araw, habang naliligo at kahit na nasa work pa.

Dinamayan ako ng mga kaibigan ko sa mga panahong yon at napagisip ko na hindi dapat ako ang umiiyak dahil hindi ako ang mas nawalan kung hindi sya. Nabalitaan ko sa kuya nya na nakahanap si Pings ng trabaho sa Siesta at malapit na daw kaming magkausap ni Pings dagdag pa nya. August 14 nga e tumawag si Pings sa akin at nangungumusta. Ang sabi ko ok na ako at tinanong kung kumusta na sila ng babae nya. Wala na daw yon sabi nya. Humihingi sya ng sorry sa nagawa nya at nakikipagbalikan na sa akin. Nakipagbalikan ako sa kanya pero ilang weeks muna ang dumaan.

Naging maayos ulit kami. Akala ko after non magiging masaya na talaga ako. 2006 bumalik sya dito sa Angeles, dun sa bahay ng tita nya. Wala naman akong nakitang pagbabago sa relasyon namin, pero sa buwan ng March medyo napansin ko hindi na nya ako masyadong pinupuntahan sa bahay. At kung lalabas naman kami, agad nya akong inaayang umuwi na.

Pinuntahan ko sya sa bahay ng tita nya isang gabi at nalaman ko na may cellphone na pala sya. Sobrang ayaw nyang ipahawak sa akin ang cp nya lalo na ng marinig ko na may nagtext sa kanya. Nagduda na ako. Di nagtagal nalaman ko na mayron na naman ngang babaeng nachichismis sa kanya doon. Sabi nya sa akin hindi totoo yon dahil may 3 anak na yung babae at asawang americano. Pero nalaman ko na yung babae pala ang gumastos sa binyag ng bunsu nyang kapatid. Kinausap ng nanay nya yung babae at sinabi na wala silang relasyon. For the second time, nawala na naman ako sa sarili ko, alam yan ng mga kaibigan ko. Lalo na ng mabalitaan ko na madalas pumunta sa Concepcion yung babae para puntahan sya. Sayang nga lang at hindi natataon na nandon ang babae nung makipagusap ako kay Pings.

Dahil sa mga nababalitaan ko nagdecide ako na magpalit ng cp number. Nakakapagod din pala, Nakakasawa. Bakit mo nga naman ipaglalaban ang isang tao na alam mong hindi ka ipaglalaban. Nagpaalam na ko sa Lolo at mga magulang nya at nagpasalamat sa pagmamahal na binigay nila sa akin.

Naisip ko na hindi talaga siguro kami ang para sa isa't-isa, kaya i just went on with my life. Nagpapayat at gumimik kasama ng best friend ko. Pero ilang araw lang ay nakatawag sa akin si Pings, nagtaka ako kung paano nya nakuha ang number ko. Simula noon everyday syang tumatawag sa akin. Hindi naman pala talaga naging sila nung babae. Yung babae talaga ang interesado kay Pings. Interesado pala ang babaeng gurang na may mangyari sa kanila ni Pings. Iniwan daw nya si Pings dahil hindi nya nakuha ang gusto nya.

2 months din kaming nagkahiwalay, July nakipagbreak ako at nagkabalikan kami ng September. Alam ko sasabihin ng ibang tao na tanga ako pero mahirap pigilan ang nararamdaman mo lalo na pag mahal mo talaga yung tao. Ewan ko ba mahirap talaga. Pag naiisip ko na mawawala sya sa akin tinatanong ko ang sarili ko, "Makakita pa kaya ako ng iba na katulad nyang tumawa, mag-alala at maglambing?

Wala nga sigurong relasyon na hindi dumadaan sa pagsubok. Nasa sayo kung gusto mong isave ang relasyon or humanap na ng bago. In my case, hindi ako nagsisisi na tinanggap ko ulit si Pings sa buhay ko, dahil sobrang ligaya talaga ng buhay ko pag nandyan sya. Hindi madaling makalimutan lahat ng pinagdaanan ko at lahat ng sakit na naramdaman ko, pero isang bagay lang ang alam ko mas mahalaga ang ngayon at bukas kaysa sa nakalipas na.

Tuesday, September 4, 2007

iNFaTuAtiON


It was 1998 ng sumikat ang bandang "The Moffatts" (Scott, Clint, Bob and Dave Moffatt) dito sa Pinas. Naaalala ko pa ng una kong makita ang first music video nila which is "I'll be there for you", sabi ko sa sarili ko, "Grabe, ang gwapo naman ng mga to!". Kaya nga tinandaan ko ung band name nila. Pag pasok ko sa school the next day tinanong ko agad ang mga kabarkada ko (Michelle, Jheng at Rachel) kung napanood na nila ung music video ng The Moffatts. Nakakatawa kasi iisa lang pala ang gusto naming itanong sa isa't-isa.

Simula non, palagi na akong nanonood ng MTV para mapanood ang music video ng Moffatts. Sobrang naging fanatic talaga kami ng mga barkada ko. Bumili kami ng first album nila "Chapter 1: A New Beginning" (casette tape non, hehe), at agad naming namemories ang lyrics ng lahat ng kanta nila, hihi. Pag gising ko kasi pinapakinggan ko na album nila. Pag dating pa sa school may isang magdadala sa amin ng radio cassette player or walkman para mapakinggan ang album ng Moffatts tuwing vacant namin.

Naaalala ko first time na dumating ang Moffatts dito sa Pinas, June 1998. Nagconcert din sila dito sa Clark Expo Pilipino, Dec. 11, 1998. Syempre, hindi namin pinalampas ang pagkakataon na mapanood ang mga lalaking pinapantasya namin ng mga barkada ko, hihi. 700 yung pinakamahal na ticket nila, so yun yung binili namin. Grabe, iba ang feeling na makita mo sa personal ang mga hinahangaan mo. Ang gwapo nila!!! Ang unang kinanta nila e yung first single din nila na "I'll be there for you". Magaling silang kumanta ng live. Kainis nga lang at hindi pweding ipasok ang camera at video cam sa concert. But you know what? After ng concert, napansin namin na from start to end ng concert nila, nadala pala namin sa loob yung camera ko, huhu. Akala nung barkada ko na wallet ko lang ung camera bag. Sobrang nanghinayang talaga kami kasi ang tanging remembrance lang namin sa concert e yung ticket namin. Pero okay lang yon ang importane nakita sa personal ang Moffatts.

In fairness, may maganda namang naidulot ang "Obsession" naming yon. Una, natuto akong mag play ng guitar kahit na walang nagturo sa akin. Basta nagrefer lang ako sa Guitar chords na makikita sa mga songhits non. At yon, napadalas na ang pagdadala ko ng gitara sa school, kaya pati ang mga classmates ko naging interesado naring matutong maggitara. Yung mga ibang ko nga e mas magaling pa ngayon tumugtog sa akin, hehe.

Furthermore, naging fond din kami ng barkada ko na magsulat ng mga poems. Poems tungkul sa love, Moffatts at kung anu-ano pa. Kakatuwa nga nakapagcompose pa ako ng kanta non pero nakalimutan ko na yung buong lyrics. Kasi naman nababaduyan ako dun sa nacompose ko, hihi.

Like other bands, nagkahiwahiwalay din ang mga Moffatts after ng second album nila which is "Submodalities". Di ko alam kung ano talaga ang naging reason kung bakit nadisband sila. Pero one thing's for sure, madami silang na napakilig at nainspire na kababaihan dito sa Pinas at ako ang number 1, hehe...

Sunday, September 2, 2007

yOu'Re mY fAVoRiTE gAMe


The Sims was created by Will Wright (founder of Maxis) and was released by EA in February 2000.

Ewan ko ba kung ano ang meron sa game na ito at sobrang favorite ko siya. Sabi ng ibang friends ko boring daw yung game. Siguro dahil sa ang ginagawa sa game na ito ay magbuild ng sariling house mo or bumili nalang, piliin mo yung magiging hitsura ng sim (game character) mo at idesign mo ang interior look ng bahay mo. Pero talagang nakakaaliw pag inaayusan mo yung sim mo at dinadamitan. Pati na rin ung pagbili ng mga gamit nya sa bahay, although yung iba hindi mo agad mabibili dahil kulang sa pera ang sim mo.

After mo ng mabuild ang bahay mo at ayusin ang mga gamit mo, kailangan mong ipaghanap ng trabaho ang sim mo para kumita ng pera pambili ng pagkain at pambayad ng bills. Kailangan din na masatisfy mo ang mga needs at wants ng sims mo, kung gutom na ang sim mo kailangan mo na syang pakainin, pag inaantok na dapat patulugin mo na at kung medyo nangangnamoy na sya e dapat paliguan mo na sya.

Nakikipag-interact din sya sa ibang mga sim characters sa game. Pweding magkaroon ng mga kaibigan, boyfriend, asawa at pati baby.

Nadadagdagan din ang mga skills ng sim mo, tulad nalang pag nagluluto sya yung Cooking skill nya tumataas at natututo syang magluto ng ibang putahe. Pag nagstudy sya ng Mechanical, tumataas and Mechanical skills nya at madali lang nyang marepair ang mga gamit sa bahay na kung minsan ay nasisira gaya ng radio at computer. Madami pang skills ang pweding makuha ng sim mo.

Siguro nga may pagkamonotonous ang game pero nageenjoy talaga ako sa paglalaro. Siguro kasi feeling ko ako yung character sa game, hehe. Minsan nga mula paggising ko hanggang sa abutan ako ng madaling araw e naglalaro pa rin ako.

Try nyo ring laruin yung game, you might like it too at mag enjoy kayo. =)

cOLoUR eVErYwHErE

Used to seeing black and white
never really in between
waiting for the love of my life
to come into my dreams
everything is shades of gray
never really blues or green

needed someone else to turn to
someone who could help me learn to see
all the beauty that was waiting for me

(Chorus)
you, you put the blue back in the sky
you put the rainbow in my eyes
a silver lining in my prayers
and now there's colour everywhere

you put the red back in the rule
just when I needed it the most
you came along to show you care
and now there's colour everywhere
evrywhere

my life is so predictable
never any mystery
but ever since you shined the light
all of that was history
now I have a hand to hold
and a reason to believe
there's someone in my life worth living for
i was hanging around just wishing on a star
to put the happiness back in my heart and...

(-Chorus-)

you care and now there's colour everywhere

left those hazy days behind me
never to return again
now they're just a fading memory
coz baby it's all so clear to see
the beauty that is waiting there for me

(-Chorus-)

you came along to show you care
and now there's colour everywhere


~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~

This is the perfect song na makakapagdescribe sa time na dumating sa buhay ko si Pings (nickname ng first, last and only boyfriend ko na ngayon ay husband ko na). In my High School days kasi hanggang crush lang ako. Medyo conservative pa ang mga High School sa panahon na yon unlike now, marunong na silang gumamit ng cosmetics at madalas ay may mga jowa na rin sila at a young age. Kaya nga siguro for my entire High School days isa lang nanligaw sa kin kasi naman neneng nene pa ako non, hehe.

Anyway, going back to my own love story, nakakatawa kasi to tell you the truth, tinutukso ko siya (Pings) sa younger sister ko. Actually, hindi lang pala sa sister ko pati dun sa isang cousin ko dahil barkada lang ang turing ko sa kanya. Kaya naman pala everytime na pinapaamin ko siya kung sino sa dalawa ang type nya, e hindi sumasagot ang loko. Yun pala sa akin siya may HD (Hidden Desire) hehe. Nung malaman ko yon, medyo nailang ako but whenever we are with my cousins syempre I still treat him the same way, as one of my kabarkada.

Sa totoo lang nung magtanong sya kung pwedi syang manligaw sabi ko hindi dahil hindi ako papayagan ng tatay ko. But then as days go by, unti-unting nadevelop ang feelings ko for him. Lalo na dahil sobrang kalog siya. Palagi nya akong napapatawa.

I don't know kung paano ko sasabihin sa tatay ko na gusto kong sagutin na si Pings. Kaya ang ginawa ko I asked my younger sister na sabihin sa tatay ko na makikipagboyfriend nako. And yun nga sinabi nga ng sister ko sa tatay ko, pinatawag ako ng tatay ko at kinausap nya ako. He told me na he understand how i feel dahil pinagdaanan na rin nya yon.

So yon pinayagan naman ako ng tatay ko pero he asked me to bring him (Pings) to our house muna. Ganun na nga ang ginawa ko, sabi ko kay Pings punta kami sa bahay dahil gusto syang makausap ng tatay ko. Habang kausap ang tatay ko iisipin mong tagalog talaga si Pings dahil sobrang diretso ng pagsasalita nya at hindi mo iisipin na kapampangan sya. Siguro dahil ninyerbyos siya sa tatay ko, haha.

At yun nga naging "kami" officially, September 07, 2001. Ang talaga sarap ng feeling ng may nagmamahal at nagcacare sayo noh? But you also have to be ready because not all the time, maganda ang maeexpirience mo pag LOVE na pinaguusapan. Not all the time na inlove ka e rainbow colors ang makikita mo everywhere, sad but true pero pwedi rin maging bluer than blue ang buhay mo dahil sa pagmamahal.

Saturday, September 1, 2007

wELcOmE sA AKiN


It's such a nice feeling to create my own blog that I can share with other people. It really makes me feel excited lalo na pag naiisip ko na through writing I'll meet other people online, receive comments about what I wrote and maybe inspire other people too.

Although nag-uumpisa pa lang ako, I have been always fond of writing about my experiences in life, pero sa diary ko lang lahat nilalahad. Mahilig din ako magsulat ng mga poems, I have written a few pero at my age now medyo nababaduyan ako dahil most of them ay nagawa ko nung High School days pa at halos tungkul sa mga crushes ko pa, hihi. Anyway, one of these days, I'll share some of my poems here.

To myself, Welcome to the Club... hehehe